Ex-OFW tinodas ng riding-in-tandem
ILOCOS NORTE—Isang dating OFW ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Mabusag Norte, Badoc sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Fresnel Aganon, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang papasok na umano sa kanilang bahay si Aganon nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Patuloy na ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments