Bangkay lumutang sa ilog
Pabs Hernandez III
May 1, 2019
1 min read
NORTH COTABATO—Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang nakalutang sa ilog na sakop ng Bgy. Banawag, Kabacan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Elbert Bugtay, nakatira sa nasabing bayan.
Nabatid na huli umanong nakitang buhay si Bugtay na lasing habang naglalakad patungo sa Dalapuan River sa naturang barangay.
Ayon sa pulisya, maaari umanong tumawid sa ilog si Bugtay at dala ng labis na kalasingan ay nalunod na nagresulta ng kanyang kamatayan.





Comments