6ERS TUMABLA SA RAPTORS JOKIC, PETMALU SA NUGGETS


UMISKOR si Jimmy Butler ng 30 puntos at dumagdag ng 11 rebounds nang talunin ng bisitang Philadelphia 76ers ang Toronto Raptors, 94-89, kahapon at ipatas na ang NBA Eastern Conference semifinal series na may tig-isa nang panalo.
Ito ang unang panalo ng Toronto para sa 76ers mula noong Nob. 10, 2012 kasunod ng 14 na sunod na pagkatalo. Ang Game 3 sa best-of-seven series ay nakaiskedyul sa Huwebes sa Philadelphia.
Dumagdag si James Ennis III ng13 points para sa 76ers, may 12 puntos si Joel Embiid, may 11 si JJ Redick, may 10 si Greg Monroe habang si Tobias Harris ay may 9 points at 11 rebounds.
Nakabasket si Kawhi Leonard ng 35 points para sa Toronto, nagdagdag si Pascal Siakam ng 21 at may 20 si Kyle Lowry. Namuno na agad ang 76ers sa 19 puntos sa second quarter at lumamang na sa 6 puntos sa 4th.
Binuksan ng Philadelphia ang final period sa 7-2 na pananalasa upang mamuno sa 11 puntos sa nalalabi na lamang na 8:44 to play.
Samantala, inasahan ng Denver Nuggets si Nikola Jokic sa pag-iskor niya ng 37 puntos upang tibagin ang 39-puntos na itinarak ni Damian LIllard at tuluyang itumba ang Portland Trail Blazers, 121-113, sa opener ng second-round playoff series sa NBA Western Conference.
Unang naging pambato si Lillard nang makagawa ng 50 puntos kasama ang 37-footer buzzer beater at ganap na silatin ang Oklahoma City sa limang laro.
Pero nang magharap sila kahapon, sumablay ang walo sa may 12 kabuuang tatlong tres na tinangka.
Bukod dito ay napigilan din ni Gary Harris ang tangkang tres puntos ni Lillard sa last minute ng game. Minalas ang Portland sa lakas din ng opensa ng Denver.
Nakasilat ang Nuggets dahil sa 18 turn over ng Portland at makagawa ng 23 puntos. Nakatulong kay Jokic ang nabasket nina Jamal Murray na 23 points at Paul Millsap na may 19 para sa unang pagsampa sa semifinals mula sa isang dekada. Abangan ang Game 2 sa Huwebes.
Ang pag-usad ng Denver ay dahil dinispatsa nila ang Spurs sa bisa ng 90-86 sa Game 7. Nasa semis ang Blazers ngayon mula sa tatlong taon na hindi nagawa ito. (MC/ATD)





Comments