top of page

4 yrs. nagsama, nawalan ng career… SIGAW NI ALYSSA: NASIRA ANG BUHAY KO DAHIL KAY JAKE ZYRUS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 1, 2019
  • 3 min read

MAKALIPAS ang halos dalawang taong paki­kipagrelasyon kay Jake Zyrus, ipinagtapat na rin sa wakas ni Alyssa Quijano ang nangyari sa kanila ng dating partner na self-confessed transgender man at dating nakilala bilang Charice Pempengco.

Ginawa ito ni Alyssa, dating A.K.A. Jam member, sa auditions para sa ABS-CBN reality talent search na Idol Philippines na umere nu’ng Linggo nang gabi (April 28).

Ang A.K.A. Jam ay isang girl group (na kina­bibi­langan ni Alyssa) na produkto ng defunct Ka­pamilya talent search na X-Factor Philippines (2012), kung saan naging hurado si Jake Zyrus.

Nakarelasyon ni Alyssa si Jake noong 2013, o halos anim na taon na ang nakalilipas.

Kuwento niya sa VTR ng Idol Philippines, nawalan siya ng sariling identity nang maging sila ni Jake.

Marami akong na-sacrifice sa relationship namin kasi I stopped singing. Nawala ‘yung Alyssa na kilala ko,” aniya.

Dagdag pa ni Alyssa, kay Jake lamang umiikot ang kanyang mundo noon kaya nakalimutan na niya ang kanyang sariling career.

I was just giving my all na parang nakalimutan ko na ‘yung sarili ko.”

Matatandaang nagtanan sina Alyssa at Jake noong May, 2013. Hindi pa umaamin ang international singing sensation tungkol sa kanyang tunay na sexual orientation noon, at kilala pa ito bilang si Charice Pempengco._+

June 2, 2013 nang tuldukan ni Charice ang mga usap-usapan tungkol sa kanyang seksuwalidad.

Sa exclusive interview ng TV host na si Boy Abunda sa now-defunct showbiz talk show na The Buzz ng ABS-CBN, diretsahang inamin ni Charice na siya ay “tomboy.”

Matapang na pag-amin ni Charice, “Opo, tomboy po ako. Hindi ko po alam kung ano ang problema ru’n.

“Kasi para po sa akin, wala pong problema ‘yun. Ngayon, gusto ko pong humingi ng patawad sa mga hindi po nakaintindi, sa mga hindi po ako mata­tanggap. Sorry po. Naiintindihan ko po kayo.”

Sa nasabi ring panayam ay inamin niyang nagsasama sila ni Alyssa sa kanyang naipundar na bahay sa Cabuyao, Laguna.

Matapos ang halos apat na taong pagsasama, noong April 26, 2017, kumalat naman ang balitang naghiwalay na ang dalawa.

Ayon sa ulat, si Alyssa raw ang umalis sa apartment na tinitirhan nila ni Charice. Bitbit daw nito ang mga sariling gamit at ang ilang gamit na umano’y hindi kanya.

Sa kabilang banda, may lumabas ding ulat na si Charice naman daw ay nakikitira na lamang sa isang fan niyang taga-Laguna.

Hanggang sa noong June, 2017, inanunsiyo ni Charice ang kagustuhan niyang makilala sa bago niyang pangalan bilang Jake Zyrus.

Kasunod nito ang pagtukoy niya sa sarili bilang isang transgender man.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Alyssa sa Idol Philippines, hindi na niya inungkat ang iba pang isyung nakapalibot sa hiwalayan nila ni Jake.

Ang sabi lang niya: “After the breakup, nu’ng medyo nakaka-move on na ako, I learned a lot from that relationship. Alam ko na ang hirap din ng pinag­daanan niya. And I believe na pareho kaming natuto sa pagkakamali namin.”

Ngayon ay may bago nang karelasyon si Alyssa. Bumalik na rin siya sa kanyang pag-aaral at sa una niyang gustong mapagtagumpayan — ang pagkanta.

Aniya, “Ngayon, I’m pursuing my dreams. I’m becoming who I really am. Kaya nga bumalik ako ng school and kumakanta ako ulit.

Now that I’ve shared my story for the first time, this is the time na I’m leaving my past behind me. Ito na ako.”

Masuwerte namang nakakuha siya ng apat na “yes” mula sa mga hurado kaya mag­papatuloy pa ang kanyang journey sa Idol Philippines.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page