38 patay sa bagyo
UMABOT na sa 28 ang naitalang nasawi dahil sa bagyo sa Mozambique.
Noong nakaraang linggo, tumama ang Cyclone Kenneth sa naturang lugar taglay ang hanging aabot sa 220 kilometro kada oras.
Nabatid na 35,000 kabahayan ang nasira ng bagyo.
Ayon sa National Institute of Disaster Management, ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi ay dahil sa hirap na nararanasan para maihatid ang mga tulong sa nasalanta ng bagyo.
Gayunman, ayon kay Spokesman Saviano Abreu, kritikal ang sitwasyon sa mga bayan ng Macomia at Quissanga.
Nasa 200,000 katao ang kasalukuyang nanganganib sa regional capital ng Cabo Delgado State na Pemba.
Humina na ang Cyclone Kenneth ngunit, inaasahan pa rin ang patuloy na pag-ulan sa Mozambique.
Noong Linggo, nanawagan si UN Secretary-General Spokesman Antonio Gutteres ng tulong mula sa international community.





Comments