top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

UST, NASA WIN COLUMN NA NG D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 30, 2019
1 min read

MULING humanay sa win column ang University of Santo Tomas matapos padapain ang McDavid, 111-90, kaha­pon sa 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao.

Nanguna ang kani­lang Beninese forward na si Soulemane Chabi Yo sa nasabing panalo ng Growling Tigers sa iniskor nitong 25 pun­tos, 15 rebounds at 5 as­sists. Dahil sa kani­lang panalo, umangat ang Tigers sa markang 5-1 sa Aspirants Group.

Pinasimulan din ni Chabi Yo ang pagrat­sadang ginawa ng Iron­con-UST sa first half kung saan nakalayo sila sa iskor na 59-41 na napalobo pa nila hang­gang 109-82 sa fourth canto.Nagdagdag na­man sa panalo si Marvin Lee ng 17 puntos at 8 assists gayundin si Rhenz Abando na nagtala ng 13 puntos.

Ngunit sa kabila ng natamong tagumpay, hindi pa kuntento si Tigers coach Aldin Ayo. “Kulang na kulang pa. Hilaw pa. We know it will take some time for the players to adapt to it, pero right now, what we’re thinking is how to establish our system,” ayon kay Ayo. Samantala, namu­no naman sina Rev Di­pu­tado at Jason Melano na nagtala ng tig-18 puntos para sa natalong McDavid (1-6). (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page