OBIENA, TOPS APRIL ATHLETE OF THE MONTH


PINAKAMALAKING achievement na rin ng isang Pinoy athlete na tulad ni Ernest John Obiena ang pagsungkit niya ng makasaysayang gold medal triumph sa men’s pole vault sa nagdaang Asian Athletics Championships na idinaos sa Doha, Qatar.
Malinis na nalundag ng 23-anyos na si Obiena ang 5.71 meters upang talunin ang mga Chinese bets na sina Zhang Wei at Huang Bokai at lampasan ang 5.70 meter record ni Kazakh Grigoriy Aleksandrovich Yegorov noong 1993 edition sa Manila.
Ito na rin ang unang gold medal na napagwagian ng Pinoy sa continental meet mula nang magawa ito ni Marestella Torres (long jump) noong 2009. Napili ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) si Obiena bilang “TOPS Athlete of the Month” for April. Ang personal na tagumpay ni EJ Obiena sa tournament record ang tumuldok sa ilang dekadang pagkauhaw sa gold medal ng bansa sa Asian Athletics Championships at maliwanag na ‘most inspiring achievement’ ng isang Pinoy athlete ngayong Abril.
Kasama na si Obiena sa ‘elite list of athletes’ na napili ng TOPS para sa outstanding achievements sa kahanga-hangang mundo ng kanilang sports sa unang tatlong buwan - boxer Manny Pacquiao (Enero), swimmer Micaela Jasmine Mojdeh (Pebrero at pole vaulter Natalie Uy (Marso). (MC)





Comments