CAFGU sugatan sa armado
- Pabs Hernandez III
- Apr 30, 2019
- 1 min read
SOUTH COTABATO—Isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang sugatan nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. Tasiman, Lake Sebu sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Rey Egol, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, naglalakad pauwi si Egol nang sumulpot ang suspek at agad binaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa tangkang pagpatay sa biktima.





Comments