top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

BF na aktor, pinalalayo sa singer… KAMPO NI JANINE, TAKOT NA TAKOT NA MAAGAW NI JULIE ANNE SI RAYVE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 30, 2019
  • 2 min read

Nitz Miralles / BIDA

TITIGILAN na siguro ang pang-iintriga ng mga fans kina Julie Anne San Jose at Janine Gutierrez dahil kay Rayver Cruz.

Sa isang post ni Janine, nag-comment si Julie ng “Ang ganda moooo” na sinagot ni Janine ng “Thank you, Julie.”

May ilang fans kasi na ginagawan ng isyu at iniintriga sina Julie at Janine dahil nagklik ang tambalan nina Ray­ver at Julie sa Studio 7 at dumadami ang mga fans ng dalawa.

Dapat daw magselos si Janine at may nag-suggest pa na sabihan nito si Rayver na lumayo kay Julie.

Dahil sa short convo nina Janine at Julie, nawala ang takot ng mga shippers ng love team nina Rayver at Janine na magkakahiwalay sila dahil pumatok ang tambalan nina Rayver at Julie.

Nakakatawa pala si Julie dahil habang nasa bus sila ng mga kasama sa Studio 7, nagkaroon sila ng game at isa sa mga tanong ay ang status ng kanilang love life.

Kabe-break lang,” ang sagot ni Julie na obvious na naka-move-on na sa breakup nila ni Benjamin Alves dahil tawa nang tawa.

Sabi rin ni Julie, hindi para kay Benjamin ang newest composition ni­yang Regrets kahit ang lyrics ay patungkol sa nagtapos na pag-ibig.

Anyway, mauunang lumipad pa-New York sina Julie at Rayver para sa Studio 7 Musikalye sa Brooklyn sa New York. Sa May 7 ang lipad ng dalawa para sa May 11 show.

Si Christian Bautista, sa May 8 ang lipad dahil may audition pa ng The Clash kung saan isa siya sa mga judges.

Sina Alden Richards at Kyline Alcantara na kasa­ma rin sa mga performers, sa May 9 ang alis. Hindi nabanggit kung kailan ang alis ni Betong Sumaya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page