top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Babaeng nahihirapang mag-adjust dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng love life

ROMA AMOR
Apr 30, 2019
2 min read

Dear Roma,

Ako si Joan, 29 years old, may isang anak at hi­walay sa asawa. May bf akong hiwalay din sa asawa at may isa ring anak. Sa kasamaang-palad, mag-iisang buwan na ka­ming hiwalay dahil nala­man kong binilhan niya ng cellphone ang ex niya, ‘yung nanay nu’ng bata. Hiniwalayan ko siya dahil nasasaktan ako. Bakit kailangan pa niyang ma­kipag-usap at bilhan ng regalo ang ex niya? Sa totoo lang, high school pa lang kami, mahal ko na siya. After 10 years, nala­man kong nag-asawa na siya, kaya nag-asawa rin ako, pero siya pa rin ang palaging laman ng puso ko. Nu’ng nalaman kong naghiwalay na sila ng asawa niya ay kahihi­wa­lay lang din namin ng ex ko. Sa sobrang pagmama­hal ko sa kanya, minahal ko na rin ang anak niya, binibilhan ko ng mga gus­to, ipinapasyal ko at ako palagi ang nag-e-effort sa relasyon namin. Ang gusto ko lang naman ay alisin niya sa buhay niya ‘yung ex niya kasi ako, wala na kaming ugnayan ng ex ko. — Joan

Joan,

Una sa lahat, kapag nag­mahal ka, dapat selfless. Hindi mo maiaalis sa kanya na magkaroon ng ugnayan sa nanay ng anak niya. Nanay ‘yun nu’ng bata, eh, natural lang na hindi niya ipagdamot du’n ang anak nila. Ano naman kung binil­han niya ng cellphone? Anong malay mo baka gi­nawa lang niya ‘yun para magkausap ang mag-ina ka­hit man lang sa cell­phone? Kahit ano pang ga­win mo, parte na ‘yun ng his­tory ng buhay niya. Si­yempre, ama siya, eh, alam niya sa sarili niyang kaila­ngan ng anak niya ang tu­nay na nanay niya. Alam mo, nandiyan ka hindi para saktan ang bata o ipagkait sa bata ang pag­mamahal na deserve niya, nandiyan ka para tumayong ikalawang ina. Dapat nga pakisama­han mo rin ang ex niya at patunayan mong kaya mong maging ina sa anak ng BF mo. Nagmahal ka ng may anak, eh, ganu’n talaga. Mag­kaiba ang istorya ninyo, ‘yung ex mo, ayaw magpa­ka­responsableng ama, pero siya dahil gusto niya, siya mismo ang nagsi­si­kap para magkaroon ng mabuting ugnayan ang anak niya at ang tunay nitong ina. Gets mo? God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page