3 katao binoga ng riding-in-tandem
- Pabs Hernandez III
- Apr 30, 2019
- 1 min read
NORTH COTABATO—Tatlo katao ang sugatan nang pagbabarilin sila ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Saguing, Makilala sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga biktima na sina Millomida Malasan, Mark Linao at Percila Marimon, pawang residente sa nasabing bayan.
Nabatid na habang lulan ng tricycle ang mga biktima ay bigla silang pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo.
Ginagamot na sa ospital ang mga biktima, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek.





Comments