WORLD PITMASTERS CUP GRAND FINALS, ABANGAN


MATAPOS mahawi ang usok sa bakbakan ng 307 entries sa April edition ng 2019 World Pitmasters Cup “9-Cock International Derby,” 51 entry ang nakapasok sa Grand Finals na gaganapin sa Martes sa Newport Performing Arts Theater (NPAT) sa Resorts World Manila.
Kabuuang garantisadong mahigit P24-M ang nakataya para sa 51 finals qualifiers sa edisyong ito ng World Pitmasters Cup. Inaasahang sisiklab ang umaatikabong bakbakan ng 102 entry para sa kasiyahan ng sabong aficionados sa World Pitmasters Cup Grand Finals.
Matapos ang mainit na 2-Cock elimination round at 3-Cock semifinals, ang mga sumusunod na entry ang nakatipon ng 4 hanggang 5 points upang bigyang daan ang kanilang hangaring makausad sa World Pitmasters Cup championship. Ang mga nakatipon ng 5 points ay sina: Riper / Mayor Viceo at Raymond Dela Cruz /Engr. Sonny Lagon / Unabia / John Capinpin / Rjm / Doc Ayong Lorenzo at Manny Berbano / EP / Engr. Rico Abliter habang 4.5 points sina Mark Lim at Boy Gamilla / Atong Ang.
Sumalpak din ng 4 – points sina Bailey Lee at Cholo / Boss Jepoy / Charlie Gayoso / Jessie Viceo at Raymond Dela Cruz / Atty. Arcal Astorga / Pol Estrellado / Kulit Alcala / Gerry Ramos / Arman Santos / Joey Delos Santos / Dante Eslabon / Nene Abello / Dicky Lim / JAA / Edwin Tose / Arnold Mendoza at Boyet Cruz / Sergio Kho / Jonjon Cano / Baypman / Jansuy Lee at Riper / Ojie Villangca at iba pa. Ang World Pitmasters Cup “9-Cock International Derby” ay pinangunahan nina Charlie “Atong” Ang, Mr. Gerry Ramos, Eddiebong Plaza, Mr. Rj Mea at Engr. Sonny Lagon sa tulong din ni Eric Dela Rosa na idinaos sa Resorts World Manila at itinaguyod ng Thunderbird Platinum. (MC)





Comments