top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Shoutout sa mga paulit-ulit ng niloko riyan... 5 REASONS KUNG BAKIT NAGIGING SHUNGA SA PAG-IBIG

  • Donna Thea Topacio
  • Apr 29, 2019
  • 2 min read

No Problem

‘IKA nga nila, hindi ka nagmahal kung kahit minsan sa buhay mo, eh, dehins ka naging shunga. Ha-ha-ha! Knows nating lahat na kapag pag-ibig ang pinag-u­usapan, mahirap talagang hindi ma­kialam dahil lahat tayo ay may kani-kan­yang pinaghuhugutan, pero marami pa rin sa atin ang hindi nakaaalam kung bakit nga ba tayo nagiging shunga sa pag-ibig? Don’t worry, narito ang 5 rea­sons na sasagot sa inyong mga katanu­ngan:

1. PUSO. Karamihan sa mga beshy nating nasasaktan at nagiging shunga sa pag-ibig ay aminado na puso ang unang ipinaiiral. ‘Yung tipong nakapagtapos ng may latin honor, pero pagdating sa love life, hala, daig pa ang kaklaseng nabokya sa exam. ‘Yun lang!

2. MUNDO. ‘Ika nga sa kanta, “ikaw ang taha­nan at mundo” na maging sa buhay-pag-ibig ay ginagamit na rin kung saan kapag nagmamahal ang tao, eh, dehins na sila nagtitira para sa kanilang sarili, kaya ‘yun kahit paulit-ulit na saktan, mahal pa rin nila ‘yung BF o GF nila.

3. SAYA. Dahil ibang saya ang kanilang na­darama, kahit dobleng sakit pa ang dinaranas nila, wala silang pakialam dahil sabi nga sa kanta, “I’d rather have bad times with you than good times with someone else”. Ganern!

4. HABAMBUHAY. May mga beshy tayong naniniwala sa ‘forever’ kung saan ang gusto nilang ka-forever, eh, ‘yung taong mahal na mahal nila ka­hit na pinapatay na ang puso nila dahil sa panlo­loko.

5. PAGSISISI. Sino ba ang gustong magsisi sa huli? Sa oras kasi na maging matalino sila sa pag-ibig, for sure, magi­ging matapang silang mang-iwan kung saan dehins nila ‘yun gusto dahil alam nating nasa huli ang pagsisisi.

Ngayong alam na nating ang mga dahilan, make sure na iintindihin natin ang ating mga kaibigan at mahal sa buhay na nagpapaka-shunga sa pag-ibig. He-he-he!

Love, love, love!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page