Pusher todas sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Apr 29, 2019
1 min read
RIZAL — Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. San Juan, Taytay sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jojo Sandigan, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Sandigan, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments