top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PHILTOBO 3-YO, GINTONG LAHI GRADUATE SA SLLP

Ding Taboy
Apr 29, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

NAKATAKDANG magpakita ng galing at hu­say sa larangan ng karera ang 14 na kabayo sa Phil­tobo “Gintong lahi Gra­duate Stakes Race” sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa darating na Linggo, Mayo 5, magaganap ang ma­sasabing pakarera na pag­la­la­banan ng may pina­ka­ma­gandang lahi ng grupo na kinabibilangan ng Philip­pine Thoroughbred Owners and Breeders Orga­nization (PHILTOBO).

Ito ang kauna-unahang pakarera ng PHILTOBO na may nakalaang pa-prem­yong P2-M na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line sa 1,600 meter. Mag-uuwi ng P1.2-M ang tatanghaling kampeon sa PHILTOBO 3 year old “Gin­tong Lahi Graduate” Stakes Race P450,000 sa 2nd place, P250,000 sa 3rd place at P100,000 ang 4th place

Ang mga kalahok ay ki­nabibilangan ng Coup D’ Etat; Golden Buzzer; Jayz; Lady Bell; Money For Tony; Mount Dulag Dulag; My Shelltex; PeterSaints; Real Gold; Serafina; Shang­hai Noon; Storm Bell; The Accountant at Toy For The Bigboy.

Sa mga kalahok, tatlo ang magka-couple entry ito ay kinabibilangan ng Lady Bell at Storm Bell; Money for Tony, My Shell­tex, Peter­Saints at Toy for the BigBoy.

Tatanggap din ng tro­phy ang mananalong kabayo para sa horse owner, trainer at hinete mula sa PHIL­TOBO.

Samantala, nakatakdang bitiwan ang 2019 Philracom 4 Year Old & Above Open Stakes Race sa Mayo 19 sa Metro Manila Turf Club, Inc (MMTCI) sa Malvar, Ba­tangas. Tatawid sa 1,600 me­ter na distansiya ang gus­tong lumahok na nasabing karera. Bukas sa lahat ng 4 Year Old & Above na im­ported at local horses ang nasabing pakarera.

Tatanggap ng P300,000 ang tatanghaling kampeon, habang mag-uuwi ang 2nd placer ng P112,500, tatang­gap ng P62,500 ang 3rd place at P25,000 ang 4th place.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page