Para sa mga mahinang uminom diyan… MGA PRUTAS AT GULAY NA KERING IPAMPALIT SA TUBIG, ALAMIN!
- Thea Janica Teh
- Apr 29, 2019
- 2 min read
Bulgarific Lifestyle
RAMDAM na ramdam na natin ang init ng panahon, kaya mainam na mag-swimming o maligo kahit 3 times a day para mapreskuhan tayo. Kailangan ding panatilihin nating hydrated ating katawan, pero aminin natin mga bes, guilty tayong lahat sa hindi pag-inom ng sapat na tubig na kailangan natin, araw-araw.
Kaya sa mga bes nating hindi mahilig uminom ng tubig, ito na ang solusyon para sa inyo! Narito, ang listahan ng mga gulay at prutas na mayaman sa tubig na puwedeng-puwede nating kainin. Stay hydrated na, healthy pa!

1. RASPBERRY. Perfect itong pamalit sa sitsirya, sigurado pang magiging healthy ka. Ang raspberry ay may 87% tubig at kaya nitong makapagbigay ng antioxidants, vitamins at minerals na nakapagpapaganda ng ating immune system. Puwede itong ihalo sa yogurt, salad at marami pang iba.

2. RADISH. Ang radish o labanos ay may 95% tubig. Tulad ng carrots, maaari na natin itong kainin pagkatapos hugasan. Nakatutulong ang labanos para mapababa ang ating body temperature at hindi lang ‘yan, makakukuha pa tayo ng phosphorus, Vitamin C, antioxidants at zinc dito.

3. POTATOES. Ito ang best source ng tubig at potassium na nakatutulong sa ating blood pressure. Magandang kainin ang patatas na baked at hindi binalatan para mapanatili ang nutrients at water content nito.

4. EGGPLANTS. Ang talong ay may 89% tubig content. Maganda rin itong kainin dahil ito ay mayaman sa fiber, manganese, potassium, Vitamin K at iba pang kailangang nutrients ng ating katawan. Iwasan lamang itong iprito o deep fry para hindi mawala ang nutritional content nito.

5. LETTUCE. Ang lettuce ay may 96% tubig, kaya perfect ito sa mga nagda-diet. Ito rin ay mababa sa calorie na best kainin ng fresh, ihalo sa salad o kahit gawing smoothie na perfect ngayong summer!

6. TOMATOES. May 95% water content ang kamatis, kaya masarap itong papakin ng fresh! Maraming nutrients ang makukuha rito tulad ng lycopene, Vitamin C at carotenoids. Perfect din itong kainin kasama ang baked potato.
Kaya mga bes, wala na tayong excuse para maging dehydrated dahil kahit hindi sapat ang iniinom nating tubig, araw-araw, basta madalas tayong kumain ng mga prutas at gulay ay keribels na. Pero, mas perfect pa rin na ugaliing uminom ng tubig, lalo ngayong tag-init para hindi magkasakit at maging healthy sa kahit anong panahon. Copy?
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo




Comments