top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Babaeng dehins alam kung magpapakapraktikal o magmamahal ng tunay

ROMA AMOR
Apr 29, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Maribel, 19 years old. May tita ako sa Germany at gusto nila akong kunin doon para makapangasawa ng German. May nobyo ako rito sa Pilipinas, pero ayaw ng pamilya ko sa kanya dahil kung ma­hirap kami ay mas ma­hirap daw sila. Pa­laging sinasabi sa akin ni ma­ma na mag­pa­ka­prak­tikal daw ako sa buhay, isip ang gamitin at hu­wag ang puso. Hin­di nakapag-aral kahit elementarya ang aking boyfriend at mag-iisang buwan pa lang kaming nagkakakilala. Wala rin siyang trabaho, pero wala akong pakialam dahil mahal ko siya. Ano ang maipapayo ninyo sa akin? — Maribel

Maribel,

Kapag pumasok ka sa relasyon, maraming bagay ang dapat mong ikonsidera at isaalang-alang. Bata ka pa at ma­sasabing hindi pa ganu’n kalawak ang kaalaman mo tungkol sa pag-ibig

Sa relasyon, hindi sa­pat na ikaw lang ang nagmamahal, kung ma­hal ka rin ng nobyo mo, bigyan mo siya ng pag­kakataong patunayan ‘yun sa pamamagitan ng pagsisikap niyang maka­pag-aral ulit sapagkat ma­halaga ang edukas­yon. May punto ang mga ma­gulang mo. Kung siya ang pipiliin mo sa gan­yang estado, mahihira­pan din kayo pagdating ng panahon dahil iba na ang kalakaran ngayon. Isipin mo ang mga ne­gatibo at positibong epek­to ng mga gagawin mong desisyon. Ayaw lang din ng mga magu­lang mo na magsisi ka sa huli. At the end of the day, desisyon mo pa rin ang masusunod, ngunit, iha, sana ay pag-isipan mong mabuti ang iyong kinabukasan. Good luck at God bless sa iyo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page