top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

Alamin mula kay Señor... MGA SENARYO TUWING MAY MAMAMATAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 29, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang pagpa­pa­tuloy sa kasagutan sa email ni Russel ng Rus­sel_Russel@facebook. com

Sa iyo Russel,

Ang pag-usapan natin ngayon ay kung bakit ang mga buwitre at uwak ay nakikita kapag may mamamatay?

Kahit sa mga pelikula, ang ganitong senaryo ay napanonood at ito ay nakikita sa mga lugar kung saan may mamamatay. Ito umano ay dahil ang uwak at buwitre ay kumakain ng laman ng tao.

Kaya nangyari ang ganu’n ay dahil sa nase-sense nila na ang taong buhay pa ay wala ng life force, kaya para sa kanila ay mga bangkay na lang ito. Hindi nila makakain ang bangkay dahil may mga taong naglalamay o nagbabantay.

Kaya ito ang sagot kung bakit pinaglalamayan ang patay at kapag walang bantay ang bangkay, magdaratingan ang mga ibon at sabik silang kumain ng bangkay. Pero, ito ay paniniwala lang naman kung saan nasa sa inyo na kung kayo ay maniniwala o hindi.

Bakit humihinto ang kamay ng orasan kapag mamamatay na ang tao? Ito ay dahil dumating na ang takdang-oras ng kanyang kamatayan. Ibig sabihin, sa malalim na salita, ubos na ang mahiwagang buhangin sa loob ng kristal ng orasan.

Ang nakapupuna ng ganitong nakatatakot na espesyal na pangyayari ay ang mga taong madalas makaranas ng tinatawag na promonition at ito rin ay napupuna o nakikita ng mismong mamamatay.

Ang “alas na espada” ay simbolo ng kamatayan dahil ang espada mismo ay simbolo ng marahas na kamatayan at ang alas ay nagsasabing “patay ka na, wala ka ng laban at talo ka na.” Kumbaga, ang buhay ng tao sa mundo ay pa­kikipaglaban at kapag ang alas ay ipinakita, ibig sabihin, talo na ang pi­nagpakitaan.

Bakit nagpapakita ang mga kaluluwa ng namatay na sa mamamatay pa lamang? Ito ay dahil siya ay sinusundo na at ihahatid na siya sa mundo ng mga patay.

Ito ang dahilan kung bakit ang ilang tao na nakakita ng kaluluwa ng namatay na ay mga buhay pa dahil ang mga kaluluwa ay mga tagasundo lang naman.

Pero, kapag hindi nagawang tumanggi ng sinusundo, siya ay dadalhin ng mga kaluluwa sa mundo ng mga patay.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page