top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

THUNDERBIRD CHALLENGE SA MAYO 1 SA CAGAYAN DE ORO

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2019
2 min read

GAGANAPIN ang pinaka-ultimong labanan para sa prestihiyosong 2019 Thunderbird Manila Challenge sa unang araw ng Mayo sa isang sikat na cockpit arena sa Cagayan de Oro City, kung saan hindi kukulangin sa 40 kalahok ang inaasahang maglalaban para sa kampeonato at mapabilang sa mga magtutuos sa 2019 Thunderbird 6-Cock All Star Derby sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo 22.

Ang 1st sa May Regional 5-Bullstag/Cock Derby sa darating na Miyerkules ay may entry fee na P11,000 at minimum bet na P6,600. Ang magkakampeon, bilang karagdagan sa cash prize ay tatanggap ng P100k na halaga ng Thunderbird products (P50,000 feeds + P50,000 vet) + 1 TMX 125 cc motorbike. Ang handler ay magbubulsa ng cash prize plus 1 mountain bike, samantalang, ang gaffer ay makakakuha ng 1 tari set.

Ang unang regional derby na ginanap noong Marso 22 sa Pangasinan Coliseum ay pinagsaluhan ng mga kalahok na Master Gunner ni Marvin Gatchalian, Geoff Buenviaje at ng MJ Ramzy ni Frank Cabiguen.

Ang labanan sa Texas Cockpit Arena sa Antipolo City noong Marso 26 ay para sa mga kalahok mula sa Metro Manila, Rizal at Cavite kung saan sina Don Eikel Ladores/ Edgardo Ladores (EDSA) at Atty. Jing Galicia (Gf Lawis) ang nangibabaw.

Ang harapan noong Marso 28 sa Jaycee Clay Sports Complex (Region 2 & Kalinga) ay nagtapos na angat sina William Mamba (Grupo Pabaruen) at Jhong Diaz (FJ Gamefarm).

Ang Marso 29 na Regional 5-Cocker sa Laguna, na ginanap sa Fantastic Coliseum sa Alaminos sa pagitan ng mga mahuhusay na gamefowl breeders ng Laguna, Quezon & Batangas, tatlong kalahok ang nagsalo sa kam­peonato, kabilang sina Nepthali Macaraig (NPM/Jepoys), Larry Amante (AA/La Fantastic San Gabriel 2) at Dennis Sta. Maria (Jan Jolli).

Ang Marso 29 na bakbakan sa New Gallera de Mandaue sa Mandaue City ay pinangunahan nina Noel Paras (Poker Face) at Raymond Dianon (ERB RTD Combine), samantalang ang digmaan sa Davao Matina Gallera noong katapusan ng Marso ay dinomina ni Sammy Uy (Nilo Abellera). (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page