PINAGTIPUNAN VS. SONG OF SONGS

MAY kahirapan ang karerang bibitawan ngayon sa PHILRACOM Ratings Based Handicap System (Philracom-RBHSR) sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Bibitawan ang siyam na karera sa Philracom-RBHSR at tatlong Condition Race. Sa simula ng karera sa Race 1, umpisa ng 1St Winner Take All (WTA), siyam na kalahok ang maglalaban-laban at pinapaboran ang Hello Junior, samantala magandang dehado ang Security Gem at Rosario Princess.
Sa Race 2, napipisil kong makakalaban ng Picacho ang Born Unto Battle at Atikupung Sinsing. Sa Race 3, ipinapatok ang Trust Me habang ang Beacon Street ang siyang makakalaban habang ang Kapayapaan, Hidden Eagle at Cinderella Kid ay pangdehado simula ng Pick 6 event sa patuloy na PHILRACOM-RBHS.
Sa 2nd WTA event sa Race 4 ng Condition Race 22, pinapaboran ang Boundary Felicity at Barangka habang sa 2nd Pick 5 sa Race 5, ipinapatok ang Shire habang ang Toscana ang tatalo at ang Batang Arrastre ang magandang pangdehado. Sa 3rd WTA, ipinapatok ang Valkyrie habang ang Marahuyo, Entry No.1 at Jawo ang makakalaban sa Condition Race 19 sa Race 6.
Pinapaboran ang Belle Royale habang ang couple entry na Winning Move at Summer Cruise ang makakalaban at ang Lockdown at More Stripes ay mainam na dehado sa Race 7 umpisa ng Pick 6. Sa Race 8, maglalaban ang Couple Entry na Fight For Love, Cannon Ball, Laughing Tiger at Katana.
Nakalalamang ang Pinagtipunan habang ang Song of Songs at Shoo-in ang makakalaban sa pagtahak ng Philracom-RBHS sa Race 9 at ipinapatok ang Tontoneeto at ang Baisakhi at Ranagant ang pangdehado sa Race 10.
Sa Race 11, nakalalamang ang Rise Up habang ang Happy Maggie at Derham Park ay pang forecast lamang. Ipinapatok naman ang Unlimited Song habang ang Batang Novaliches ang posibleng tumalo at ang Tequila Princess naman ay may tsamba sa Race 12. Tip ni Mang Ding: Race 1 Hello Junior (4) Rosario Princess (9) Race 2 Picacho (2) Born Into Battle (6) Race 3-Trust Me (5) Beacon Street (2) Race 4-Barangka (1) Boundary (3) Race 5-Shire (4) Batang Arrastre (7) Race 6-Valkyrie (2) Race 7-Belle Royale (10) Can You Giub (13) Race 8-Entry No.4 Laughing Tiger (5) Race 9-Pinagtipunan (1) Song of Songs (4) Race 10-Tontoneeto (11) Ranagant (12) Race 11-Rise Up (1) Happy Maggie (6) Race 12- Unlimited Song (2) Batang Novaliches (5)





Comments