Parrot ginawang lookout | 2 COCAINE DEALER TIMBOG
KASAMA sa dinakip ng mga awtoridad ang alagang parrot sa ni-raid na bahay ng hinihinalang pusher sa Brazil.
Nabatid na ang parrot ang nagsisilbing lookout ng kanyang amo at sumisigaw ng “Mamãe, polícia!” o “Mama, police!” kapag may parating na mga awtoridad.
Natagpuan ang parrot sa bahay ng dalawang hinihinalang cocaine dealer. Nagsisigaw ang parrot nang makita ang mga pulis ngunit, nabigo ang mga suspek na tumakas. Nadakip ang isang lalaki at menor-de-edad na babae habang dadalhin sa zoo ang parrot para sa pangangalaga.





Comments