KIM, KAMPEON SA TCC INVT’L GOLF

SA kabila nang na-diagnosed ang kanyang lola na may cancer, nagawa pa rin ni Hyo-Joo Kim na manalo sa TCC Invitational Golf at ibinulsa ang P1.5 million premyo na may kabuuang 290 kasama ang final round 74.
“I had bad news, my grandmother was diagnosed with cancer, reached to my attention in the final round. I set aside the bad news and kept playing because I don’t want it to affect my game I needed most,” sabi ni Kim ang pinakabata sa mga kalahok na 16. Ito ang pangalawang panalo ni Kim sa ‘Pinas matapos magwagi sa Pueblos sa Cagayan de Oro City at pangalawang Koreano na nanalo na una si Micah Lauren Shin.
Matapos ang isang linggong pahinga, pupunta si Kim sa Indonesia at sasali sa Asian Development Tour. Pumangalawa ang Filipino-German na si Keanu Jahns na may kabuuang 291 na nagkakahalagang P700,000 at pumangatlo si Clyde Mondilla na lumikom ng 292 at ibinulsa ang P500,000 premyo.
Napanalunan ni Angelo Que ang P330,000 na lumikom ng 297 at si Juvic Pagunsan ay tumapos na 302 kasama ang last round 76 at ibinulsa ang P250,000 premyo.





Comments