'Di raw alam kung ano'ng gagawin ng ex mo, Jolo… JODI, NALOKA SA TIKIMAN NILA NI GABBY
- BULGAR

- Apr 28, 2019
- 1 min read

KUNG may Angelica Alita sa buhay ni Jolo Revilla, meron din palang Gabby Concepcion sa buhay ni Jodi Santamaria.
Jodi is doing a new film titled Man and Wife with no less than Gabby Concepcion.
Sa isang interview sa ex ni Jolo, kuwento nito tungkol sa unang shooting nila ni Gabby, love scene daw kaagad ang kinunan.
Sey ni Jodi, “Naloka talaga ako. Tapos, Gabby Concepcion?! Hindi ko alam kung paano ko siya hahawakan, paano ko siya hahalikan,” natatawang chika ng Kapamilya actress.
“Pero I must say na napaka-gentleman ni Mr. Gabby Concepcion. Talagang mararamdaman mo na walang taking advantage.”
First time niya palang makatrabaho ang aktor at bale first time niya ring maidirehe ni Laurice Guillen.
She speaks highly of Gabby.
“As an actor, magaling talaga siya. And as a person, kahit na he’s Gabby Concepcion, he’s very humble,” sey ni Jodi.
Super busy ngayon si Jodi. Aside from Man and Wife where she is paired with Gabby, nasa Mea Culpa rin siya, isang TV series where she gets to work also with Tony Labrusca.
The way it is, mukhang hindi naman apektado si Jodi sa hiwalayan nila ni Jolo — kahit pa 8 yrs. ding naging sila — dahil sa sobrang busy niya sa kanyang mga showbiz commitments at negosyo.
By the way, Mother’s Day offering ang pelikulang Man and Wife at showing ito on May 8 nationwide.





Comments