After ma-rehab, pasok sa serye ng aktor… HIRIT NG NETIZEN: BARON, BAKA IHIAN DIN SA MUKHA SI COCO

Beth Gelena / BULGARY FILES

MARAMING nagulat na avid viewers ng Ang Probinsyano nang makita nilang parte ng action-serye ang mahusay na aktor na si Baron Geisler nu’ng Huwebes nang gabi.
Bale ito ang showbiz comeback ng aktor after niyang makalabas sa rehab.
Matagal-tagal ding nag-rehabilitate si Baron hinggil sa kanyang pagiging alcoholic. Ayon sa actor, ready na siyang muling humarap sa kamera.
Baron plays a villain character bilang si Dante, ang bagong tinik sa buhay ni Cardo.
Ayon sa ilang netizens, tiyak na mas masahol pa kay Jhong Hilario ang magiging character ni Baron. Pero may nagsasabi namang fit sa mahusay na aktor ang kanyang character.
May agam-agam ang ibang avid viewers na baka maging cause raw ng trouble ang aktor sa set. Tanong pa nga ng isang netizen, ‘di raw kaya ihian din ni Baron si Coco sa mukha?
‘Yun na!!!





Comments