70 susperk sa Sri Lanka blasts, arestado
Jersey Sanchez
Apr 28, 2019
1 min read
UMABOT sa 70 katao ang naaresto sa limang isinagawang raid matapos ang magkakasunod na pagpapasabog sa Sri Lanka.
Inihahanda na ang kaso laban sa mga suspek kabilang ang negosyanteng si Mohamed Yusuf na unang naaresto. Matapos ang limang raids, nakumpiska ang iba’t ibang gamit sa paggawa ng bomba.
Tumulong din ang anim na foreign police agencies at interpol kabilang ang Scotlandyard mula sa United Kingdom at FBI sa U.S.





Comments