top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Matapos ang serye ng pagpapasabog sa Sri Lanka | DEFENSE MINISTRY OFFICIAL NAGBITIW SA PUWESTO

  • Jersey Sanchez
  • Apr 27, 2019
  • 1 min read

NAGBITIW sa puwesto ang defense ministry official ng Sri Lanka matapos ang Easter Day bombing sa bansa.

Personal na iniabot ni Defense Minister Hemasiri Fernando ang kanyang resignation letter kay Head-of-State Maithripala Sirisena.

Inako nito ang pagkakamali dahil hindi agad natugunan ang naganap na pagpapasabog.

Samantala, mula 359, ibinaba ng mga awtoridad sa 253 ang bilang ng mga nasawi sa serye ng pagpapasabog sa bansa.

Ito ay matapos malaman na mali ang datos na ibinigay ng mga morgue dahil nahirapan ang mga itong magbilang dahil sa pagkakalasug-lasog ng mga katawan ng biktima.

Nasa 70 katao ang naaresto na may kinalaman sa mga pagpapasabog.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page