Kaya iwasan daw ang madalas na paglamon, mga sis! KATABAAN, DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAKAROON NG BREAST


KARAMIHAN sa kababaihan ay natatakot na mapabilang sa mga indibidwal na nakararanas ngayon ng breast cancer, ito ay dahil sa paniniwalang kapag nagkaroon nito ay tiyak na sunud-sunod na ang kumplikasyon nila sa katawan. Gayunman, knows ba ninyo na ang katabaan ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng breast cancer?
Weh, ‘di nga?
Ayon sa pag-aaral, ang panganib sa pagkakaroon ng breast cancer ay tumataas kapag ang babae ay overweight o obese matapos siyang mag-menopause.
Ito ‘yung stage kung kailan humihinto ang pagkakaroon ng menstruation kung saan hindi na rin mabubuntis ang kababaihan.
Sa UK, ang edad ng mga babaeng nagme-menopause ay 51, pero posible rin ito sa mga babaeng may edad na 45 hanggang 55.
Gayunman, sa oras na nagkaroon ng breast cancer ang indibidwal habang siya ay overweight o obese, malaki ang tsansa na kahit maka-survive siya ay bumabalik din kaagad ito, kaya mahalaga kung matututo tayong balansehin o i-monitor ang ating timbang ngayon pa lang.
Maliban pa rito, maging ang waist size ay mahalaga rin na binibigyan ng konsiderasyon dahil ayon sa mga eksperto, ang waist circumference na 31.5 inches o 80 cm ay masasabi pang malusog at kapag ang Body Mass Index (BMI) ay mataas pagkatapos ng menopause, mas nade-develop ang pagkakaroon ng breast cancer.
Kaya para hindi manganib ang ating buhay, make sure na magiging conscious tayo sa ating mga kinakain o kaya ay magdiyeta para sa mas malusog na kalusugan at pangangatawan.
Sa ngayon, sobrang dami na ng paraan para pumayat kaya no excuse kapag medyo nagkalaman-laman tayo. Be healthy always, mga mamsh! Okie?





Comments