top of page

Kahulugan na maabot ang mga pangarap dahil sa pag-a-abroad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ladylin ng Ladylin_Castrence@face­book.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na naglalakad sa bukid, tapos may pilapil ako na dara­anan, habang nasa pilapil ako, ang daming ahas du’n, tapos, hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkaroon ng power na umangat para hindi ako ma­tuklaw ng mga ahas.

Ang haba ng pilapil, pero naka­daan ako na nakalutang hanggang sa makarating ako sa dulo na walang masamang nangyari sa akin at ang mga ahas ay kalmado, pero nakikita ko silang gumagalaw.

Ang sumunod na panaginip ko ay ‘yung lumilipad na eroplano kung saan ramdam na ramdam ko ‘yung pag-akyat at nakikita ko ang mga kasama ko na kumakain ng tinapay.

Ano ang ibig sabihin nito?

Salamat!

Naghihintay,

Ladylin

Sa iyo Ladylin,

Congrats, iha, magtatagumpay ka kung saan ma­aabot mo ang iyong mga pangarap sa buhay. Napansin mo ba ang salitang “mga”? Ibig sabihin, marami, kaya ang maraming pangarap mo ay makukuha mo na.

Sa ngayon, takot ka, walang magawa at hindi makakilos, kumbaga, kung sa iba ito mangyayari, sure na sure na susuko na sila. Pero, ikaw, ayon sa pana­ginip, kahit walang senyales na magtatagumpay ka dahil patuloy kang nangangarap kahit malabo ang katuparan nito, makaaasa ka na muli, maaabot mo ang iyong mga pangarap.

Pero, paano? Ito ang tiyak na isa pang nagpapagulo sa isip mo, pero ang sagot ay ang pag-a-abroad-in ka ng iyong kapalaran, ibig sabihin, tiyak na mag-a-abroad ka para mabigyang-katuparan ang nasabing maaabot mo ang iyong mga pangarap.

Malinaw ba sa iyo na ang gagawa ng paraan para mag-abroad ka ay ang iyong mismong kapalaran? Ibig sabihin, hindi ikaw. Pero, okay lang kung aakalain mong ikaw ang gustong mag-abroad, kaya ka makapag-a-abroad dahil ang importante ay ang magtagumpay ka sa buhay.

Muli, congrats, Ladylin!

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page