top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

HOROSCOPE | ABRIL 27, 2019 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 27, 2019 (Sabado): Hihilahin ka ng iyong kapalaran pa­pataas. Ito ay tiyak na ma­raranasan mo kahit pa nag-aalinlangan ka sa iyong sarili kung ikaw ba ay karapat-dapat sa ma­tataas na puwesto.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipaubaya mo sa takbo ng iyong kapala­ran ang mga pagsubok na iyong kinahaharap. Sa huli, masusumpungan mo ang iyong sarili na ya­kap-yakap ang malala­king tagumpay. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-13-29-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-iba ka ng kulay tulad ng ilang insekto nang sa gayun ang mga karibal mo ay malito. Ibig sabihin, bagu­hin mo ang iyong mga na­kaugalian at nakasana­yang pagkilos. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-11-12-15-25-26-31.

GEMINI (May 21- June 20) - Gamitin mo ang malikot mong ima­hi­nas­yon at magugulat ka da­hil magbabalikan ang mga dating suki mo at mag­da­ragsaan pa ang mga bago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-18-28-34-38-42-46.

CANCER (June 21- July 22) - Manindigan ka! Humaha­nga ang langit sa marunong manindigan, kaya siya ay binibiyayaan ng malalaking kapalaran na inaalis naman sa mga taong walang paninindi­gan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-17-21-23-38-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pa­payaman ka at ang mayaya­man ay duma­rami ang kaibigan. Pero, mag-ingat ka dahil sa ma­laking mundo, mas mara­ming ahas o hindi tunay na kaibigan. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-5-14-15-22-29-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Palipat-lipat ang mga pa­ru­paro sa mga bulaklak, ganito rin ang mga suwerte na nagsisili­pat sa mga taong handang ibahagi ang kanyang ka­ba­itan sa kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-22-27-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dagdagan mo ang kulang at bawasan mo ang sobra, ito ang tunay na susi sa maligayang bu­hay. Kaya suriin mo ang iyong buhay nang sa ga­yun ay makita mo kung anu-ano ang mga gaga­win mong pagbabago. Ma­suwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-17-20-25-27-30-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mainit ang panahon ngayon, pero hindi puwede na hindi ka lalabas ng bahay dahil sa paglabas mo ay may ma­kikita kang mga ideya na puwedeng magpaunlad pang lalo sa buhay mo. Ma­suwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-16-19-22-25-27-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi na­kikita ng mga mata ang kan­­yang sariling mata. ‘Yung iba, madalas ay hindi niya na­kikita ang kan­yang sa­riling kamalian. Hindi da­­pat mangyari sa iyo ang ganito. Masu­werteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-5-11-14-20-23-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tumi­nga­la ka at maki­kita mo, mara­mi kang puwedeng abutin sa itaas. Ito ay nag­sasa­bing, hindi ka dapat ma­kuntento kaya mangarap ka pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-9-13-15-20-24-25.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag mabigat na ang makapal na ulap, bumubuhos ang malakas na ulan. Hindi dapat maipon ang sama ng loob mo kaya ang payo, ibulalas mo ang ilan sa mga ito. Masuwerteng ku­­lay-blue. Tips sa lotto-18-21-25-28-30-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumating na ang takdang panahon kung kailan magdaratingan ang mga suwerte mo. Ang payo para sa iyo ay hindi ka dapat matulad sa ma­rami na tinalo ng sobrang pagsasaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-24-28-34-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page