Galvalume 55, napagkalooban ng PS Mark license
- Thea Janica Teh
- Apr 27, 2019
- 1 min read
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Ngayong Sabado, mamimigay ng limpak-limpak na papremyo ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa sinumang papalaring tumama sa Grand Lotto 6/55 na may jackpot prize na humigit-kumulang P139 milyon at 6/58 Ultra Lotto na may P57 milyon jackpot prize.
Hindi lang kayo magiging instant milyunaryo, makatutulong pa tayo sa pagbibigay ng medical assistance sa iba’t ibang institution na suportado ng PCSO. Kaya naman, hinihikayat ng PCSO ang publiko na bumili ng ticket sa mga larong ito para magkaroon ng chance na mauwi ang jackpot!
Ang Grand Lotto 6/55 ay napanonood sa PTV-4 tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, samantalang, ang Ultra Lotto 6/58 ay mapanonood tuwing Martes, Biyernes at Linggo at ang Mega Lotto 6/45 ay mapanonood tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Paalala ng PCSO na panatilihing nasa maayos na kundisyon ang inyong mga ticket manalo man o matalo dahil mamimigay din ang PCSO ng consolation prize para sa mga nakakuha ng tatlo hanggang limang winning combination.
Para sa mga nagnanais makita ang mga nanalong kombinasyon at iba pang detalye ng PCSO games, produkto at serbisyo, maaari ninyong bisitahin ang PCSO official website na www.pcso.gov.ph at ang official FB page.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments