Bagets sugatan sa armado
Pabs Hernandez III
Apr 27, 2019
1 min read
ZAMBOANGA SIBUGAY—Isang 15-anyos na binatilyo ang sugatan nang barilin ng hindi pa kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Bagong Silang, Mabuhay sa lungsod na ito.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang biktima na residente sa nasabing lugar.
Nabatid na habang nasa labas ng coconut plantation ang biktima ay bigla itong binaril ng suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang makilala at madakip ang suspek.





Comments