Nagpaputok ng baril timbog
PALAWAN—Isang miyembro ng CAFGU (Citizens Armed Forces Geographical Unit) na nagpaputok ng baril ang dinakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Villa Libertad, El Nido sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Ike Lucio, miyembro ng CAFGU na nakabase sa lalawigan.
Ayon sa ulat, pilit umanong pinapasok ni Lucio ang bahay ng kaalitan nitong si George Paruco at nang hindi makapasok ay nagpaputok ito ng baril.
Kaagad namang humingi ng tulong sa pulisya si Paruco kaya nadakip si Lucio at ngayon ay sinampahan na ang suspek ng mga kaukulang kaso.





Comments