Listahan ng mga kandidatong may ‘K’, i-ready na
- BULGAR

- Apr 26, 2019
- 1 min read

SA kalagitnaan ng serye ng paglindol sa bansa, patuloy naman sa paghahanda ang Commission on Elections (Comelec) para sa darating na halalan.
Handa na nang 90 porsiyento ang ahensiya habang ang natitirang 10 porsiyento ay para naman sa deployment ng 85,000 automated machines.
Nasa 95 porsiyento na sana ang preparedness level ng poll body kung hindi raw naganap ang serye ng paglindol sa bansa.
Gayunman, nasa proseso na umano ang Comelec sa pagsuri sa kahandaan ng bawat pasilidad para sa halalan, partikular sa mga lugar na napinsala ng lindol.
Bagama’t, wala pang rekomendasyon sa paglilipat ng polling centers dahil sa mga lindol.
Samantala, nakatakda nang simulan ng Comelec ang shipping ng mga balota kung saan prayoridad nila ang malalayong lugar.
Habang ginagawa ang ganitong paghahanda sa gobyerno, dapat nang simulan ng mga botante ang paghahanda sa listahan ng mga kandidatong ilalagay sa balota.
Doon tayo sa hindi lang pamilyar ang apelyido o nagkalat ang pagmumukha sa mga tarpaulin kundi roon sa mga may kakayahang mamuno at may konsensiya.
Marami nang pulitiko ang naupo at umalis, marami nang kontrobersiya at anomalyang nangyari na ang iba ay hindi pa rin matapus-tapos. Sana naman, alam na natin kung sino ang mga karapat-dapat.





Comments