top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

LAST MAN STANDING SI DE LUNA SA US 9-BALL

Eddie M. Paez Jr.
Apr 26, 2019
2 min read

NAOBLIGANG mag-empake ang mga premya­dong cue artists ng Pilipinas tulad nina Carlo “Black Tiger” Biado, Dennis “Ro­bocop” Orcullo, Roberto “Su­perman” Gomez, Jo­hann “Bad Koi” Gonzales Chua, Warren “The War­rior” Kiamco at Francisco “Django” Bustamante ma­tapos makatikim ng tigda-dalawang pagkatalo kaya naiwang nakasampa sa balikat ni Jeff “The Bull” De Luna ang pag-asa ng bansa sa prestihiyosong 2019 US 9-Ball Open Championship na pumasok na sa homestretch sa Man­dalay Bay Resort and Casi­no ng Las Vegas, Nevada.

Swak sa quarterfinals si De Luna matapos talunin si Imran Majid ng England sa iskor na 11-9. Nakapasok na rin ang Fil-Canadian na si Alex “The Lion” Pagulayan sa final 8 dahil sa pangingi­babaw niya laban kay Singa­porean Aloysius Yapp, 11-10.

Nauna rito, nakahak­bang sa huling 16 si Jeffrey Ignacio at De Luna mata­pos na malimas ang mga bi­tuin ng Philippine billiards.

Sumandal si Ignacio Sa mga panalo laban kina Den­nis Hatch (11-5) ng USA, kababayang si Zoren James Aranas (11-8), Taiwanese Yang Ching-shun (11-4), Nicolas Charette (11-7) mula sa Canada, ang Ale­mang si Marco Spitzky (11-9) at ang Griyegong si Kos­tas Koukiadakis (11-4) para mapabilang sa final 16 ng mga bilyaristang may tsansa pa sa malaking parte ng $300,000 winners’ purse. Ang tanging pagkatalo niya ay nasaksihan sa isang kina­tawan ng Taiwan (Hsu Kai Lin; 8-11).

Halos ganito ring pag­lalakbay ang ginawa ni De Luna kaya mula sa 256 na mga manunumbok na luma­hok ay isa na lang siya sa mga manunumbok na ma­ka­kasargo sa 16-year, single elimination, final stage ng malupit na sagupaan.

Ka­sama sa mga nahu­gutan niya ng mga panalo ay sina Liu Haitao (China, 11-5), Keni­chi Uchigaki (Japan, 11-3), kapwa Pinoy na si Orcullo (11-10), Angelo Salzano (Italy, 11-3) at Chris Ro­binson (U.S.A, 11-9).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page