Kinasuhan dahil sa sexual assault… CHOI JONG HOON, BAWAL NANG LUMABAS SA KOREA

HINDI na puwedeng lumabas ng South Korea ang singer at dating miyembro ng FT Island na si Choi Jong Hoon dahil sa imbestigasyong isinasagawa sa kanya kaugnay ng mga kaso niya.
Ayon sa report ng YTN ay nag-request na ang pulisya ng prohibition of departure kay Choi Jong Hoon at pinayagan naman daw ang request simula kahapon.
Ayon pa sa report, lahat ng participants sa controversial group chatroom na kasalukuyang iniimbestigahan ay ipinagbabawal nang lumabas ng kanilang bansa.
Bukod sa hidden camera footage and bribery charges, may two counts of sexual assault charges pang kinakaharap si Choi Jong Hoon.
Ang unang sexual assault diumano ay naganap noong January 2016 with Jun Joon Young at isang employee ng Burning Sun in Gangwon Province.
Ang pangalawa naman ay naganap daw noong March, 2016 sa Daegu.
Ang karagdagang kasong ito ng sexual assault ang siyang naging dahilan para mag-request ang puliysa ng hold departure order because of the gravity of the case.





Comments