Sundalo niratrat, utas
- Pabs Hernandez III
- Apr 25, 2019
- 1 min read
PALAWAN — Isang sundalo ng Philippine Marines ang napatay nang barilin ng mga hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Tagusao, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Cpl. Alfred de Leon, residente sa nasabing bayan.
Nakatayo umano si De Leon sa tapat ng kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga salarin.





Comments