Sey mo, Vice? BOY, IPINAGSIGAWANG SIYA ANG PINAKAMAGALING NA HOST SA 'PINAS


PINANOOD uli namin ‘yung interbyu ni Vice Ganda kay Boy Abunda. Ito ‘yung last birthday of the renowned TV host.
There were certain questions na talaga namang natawa kami sa mga sagot ni Kuya Boy.
When asked if he finds himself ‘maganda’, “Oo, maganda ako. Kung ‘di ako maniniwalang maganda ako, sino pa ba ang hihintayin kong magsasabi nito?
“At totoong naniniwala akong maganda ako, kaya ‘yung sinasabi ng assistant ko noon na si Ace, ‘Basta maganda ako. Kung hindi mo nakikita, problema mo na ‘yun.’”
Agree naman si Vice Ganda sa sinabi ni Boy. Perhaps, that’s the reason kung bakit when they appear on the small screen, they seem to be very confident about themselves.
At kung sino ang pinakamagaling na host dito sa Pilipinas, he said, “Ako. Kasi every time I appear on TV, I make it a point to do my best. Kaya naniniwala ako diyan.”
When asked about his age, napahalakhak ito at his answer was, “‘Yan ang hindi ko sasagutin.”
He is gay and he admits na 30 years na sila ng partner niyang si Bong Quintana.
When asked kung naging faithful siya sa relationship nila at kung ira-rank ito from 1 to 10, he said, “Siguro, 5.”
So, he had been unfaithful to his partner. Alam daw ito ni Bong at pareho naman silang nagkapatawaran.





Comments