MAAGA ANG PAGHAHANDA NG GILAS PARA SA FIBA

UMAASA si Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao na mapapaaga ang magiging preparasyon ng koponan para sa FIBA Basketball World Cup.
Ayon kay Guiao sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum, nagpasa siya ng isang panukala na mapahaba ang preparasyon ng Gilas Pilipinas mula sa 10 araw na itinakda sa kanya ng PBA.
“We’re hoping we can start earlier. I think we need more than the 10 or 12 days of break (in the PBA schedule) for the World Cup so we can extend our practices,” wika ni Guiao sa PSA Forum na ginanap sa Amelie Hotel sa Manila.
Dagdag ni Guiao, magiging mainam para sa koponan kung makakapaghanda sila ng isang buwan sa mabigat nilang makakalaban sa Group D kung saan kakaharapin nila ang Serbia, Italy, at Angola.
“I’m asking for more than 12 days of continuous practice or if possible, one month. I hope we can practice twice a day for four days in June, then twice a day for eight days in July and the daily in August,” ani Guiao.
Ayon naman kay PBA Commissioner Willie Marcial na nagtungo rin sa PSA Forum, pag-uusapan ng PBA board ang mga plano para sa Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup sa Huwebes.
“I’ve had initial talks with coach Yeng on this. We fully support him. It can be done,” saad ni Marcial.





Comments