top of page
Pokwang.jpg

HOROSCOPE | ABRIL 25, 2019 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 25, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGA­YONG ABRIL 25, 2019 (Huwebes): Bilis ang iyong taglay na galing. Kaya mabilis kang aasen­so at yayaman. Muli, bilis ang taglay mong galing. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-aalinla­ngan at pang­hihinaan ng loob. Sa pag-aalinlangan, ang tao ay nanghihinayang sa maga­gandang pagkakataong nasa kanyang harapan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-24-33-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka! Kahit wala kang tiyak na gustong gawin. Sa pagki­los, gumagana ang isip at sa huli ay maiisip niya kung ano ang tamang direk­si­yon na kanyang kahaha­ra­pin. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-2-11-14-23-38-39.

GEMINI (May 21- June 20) - Nakaumang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang napaka­raming magagandang ka­pa­laran. Naranasan mo na rin ito sa nagdaan, pero noon, marami ang iyong sinayang. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-12-16-22-28-34-36.

CANCER (June 21- July 22) - Kakai­bang sigla ang iyong mada­ra­ma, ito dapat ang magsil­bing inspirasyon mo para ga­win ang mga hindi mo na­gawa sa nag­daan dahil nag-aalala ka na mabibi­go ka lang. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-23-24-34-38-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Su­mabay ka sa takbo ng pa­nahon kahit hindi ka naniniwala. Ang pagpapayaman ay maga­gawa kung marunong kang makisama. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-18-29-30-33-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon na ang pagkaka­taon para ma­pa­rami at mapalaki mo ang iyong kita. Huwag mong kaligtaan na kahit nasaan ka ay puwede ka pa ring kumita. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran sa kasalukuyan. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-24-28-30-35-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Yumayaman ang nag-iisip na yumaman. Sumasarap ang buhay ng nag-iisip na sumarap ang kanyang buhay. Sa buhay ng tao, isip ang nagdidik­ta kung ano ang mangya­yari sa kanya. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-15-23-27-34-39-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Limita­han mo lang ang mga kilos mo sa iisang layunin. Ang ma­raming laman ang isip at kung anu-ano ang pinag­ga­gagawa na walang iisang direksiyon ay sanhi ng pag­kalugi. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-9-13-22-27-40-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpatu­long ka sa na­niniwala sa iyo. Umiwas ka na tulungan ka ng wala namang bilib sa iyo dahil sa halip na ma­tu­lungan ka niya ay ma­si­sira pa niya ang iyong magan­dang diskarte. Ma­su­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-18-25-33-37-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ma­halaga kung a­ayaw ka. Ang importante ay ang kaka­yahan ng tao na itugma niya sa takbo ng pangya­yari ang kanyang mga kilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-24-30-35-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ituloy mo ang gusto mong gawin. Sa huli, ang nagsisikontra ay aayon sa iyo at ang na­kagugulat na mangyayari ay manghi­hingi pa sila sa malalaking suwerte mo. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-14-16-23-28-31-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itutulak ka ng iyong sarili na magpunta sa masasayang lugar. Para hindi ka na maitulak pa, maganda kung maghahan­da ka sa paglayo mo pan­sa­mantala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-21-27-30-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page