Galvalume 55, napagkalooban ng PS Mark license
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Ang bubong ang nagsisilbing panangga natin sa init at lamig ng panahon. Ito rin ang proteksiyon natin sa ating tahanan kaya dapat maganda ang kalidad na ating gagamitin.
Kamakailan lamang ay kinilala ang Galvalume 55, isang innovative product ng Philsteel Group bilang kauna-unahang nabigyan ng PS Mark license sa hot-dip AL/ZN metallic coated steel roofing category ng Department of Trade and Industry (DTI) base sa PNS 67:2014.
Samakatwid, nakamit ng Galvalume 55 ang Philippine National Standards sa pagiging premium quality. Boluntaryo itong ipinasa para mabigyan ng certification para mas sigurado ang kalidad at safety ng produkto. Ibinigay kamakailan ni DTI IV-A Regional Director Marilou Q. Toledo kina Steelcorp Sales Director Nestor Cabrera, Philsteel Group Technical Services Manager Selga at DTI, Provincial Trade and Industry Officer Desiderio Jurado III ang PS Mark. Kaya naman sa 20 taong pagbibigay ng Galvalume 55 ng magandang kalidad at serbisyo sa ating tahanan ay nakamit nito ang highest quality international standards ng BIEC International, Inc.
Ang Galvalume 55 ay gawa sa 55% aluminum at zinc alloy coated steel sheet na manufactured mismo sa Pilipinas ng Steel Corporation.
Hindi lang ‘yan, dahil sa modern houses sa ating bansa, gusto nating akma sa tema ng ating bahay ang panangga sa init at ulan. Kaya naman sa pinagsamang Philmetal Products, Inc. at Premier Shelter, Inc. na subsidiary companies ng Philsteel ay naglabas sila ng Colorbond. Ito ay may iba’t ibang kulay, shape at design na perfect sa ating tahanan.
Ang Colorbond ay pre-painted roof na gawa 100% sa Galvalume 55. Mas mataas ang durability nito dahil sa patung-patong na pintura, finish at primer coat na mas lalong nagpapatibay at nagpapatingkad ng kulay.
Ibinahagi ni Chairman Uy na mas mura ang paggamit ng Colorbond kaysa sa pagpipintura ng GI sheets. Kaya naman mga katsika, para sa mas matibay at pangmatagalang proteksiyon sa ating bahay, gawang-Philsteel na ang gamitin dahil subok talaga ang kalidad nito! Mabibili ang Galvalume 55 at Colorbond sa lahat ng Galvaforce Center at leading hardware stores, nationwide!
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments