top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bawat araw ay isang biyaya Ni: Ronalyn Seminiano Reonico

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 25, 2019
1 min read

Bawat paghinga, bawat pagngiti,

bawat pagpatak ng luha,

mula sa iyong mga mata,

mga bagay na sadyang kaybuti.

Ang buhay ay natatapos din.

Natatapos kung susuko kang lumaban.

Ang mga pagsubok ay nagwawakas din.

Nagwawakas kung ang pagtayo’y iyong susukuan.

Ang pag-asa’y nagwawakas,

magwawakas kung ang pagtitiwala’y ititigil.

Ang posibilidad ay mapipigil,

mapipigil kung ika’y aatras.

Huwag kang lumingon pabalik.

Huwag kang tumingin sa bukas.

Ang iyong sarili’y ituon sa itaas, ang ngayo’y bigyang pagtangkilik.

Sa Diyos, pasasalamat ay sambitin.

Kagalakan sa puso ay awitin sapagkat ano pa’t hindi sa lahat ng tao’y,

sinag ng araw ng bukas ay dumarating.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page