'Wag daw pakialaman ang buhay niya… RESBAK NG MADLANG PIPOL: COCO, BAIT-BAITAN KA LANG, SA PAG-

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MULING nag-post ng makahulugang mensahe ang aktor na si Coco Martin sa kanyang Instagram account.
Ito ay matapos siyang magbigay ng mahabang mensahe tungkol sa taong naninira sa kanya na naganap matapos kumalat ang isyung diumano’y karelasyon niya ang aktres na si Julia Montes at ang panganganak nito.
Dahil dito, itina-tag din ng mga netizens ang leading lady ni Coco sa Ang Probinsyano na si Yassi Pressman dahil palagi raw spotted ang dalawang sweet at diumano’y dahilan ng pagkasira ng relasyon ng aktor at ni Julia.
Tatlong magkakasunod at makahulugang mensahe ang binitiwan ni Coco sa kanyang Instagram account.
Una, “What God knows about you is more important than what others think about you. God knows your heart. Amen.”
Na sinundan ng, “The God behind you is stronger than the enemy in front of you.”
At ang huli, “People will provoke you until they bring out your ugly side, then they play victim when you go there.”
Hati ang naging reaksiyon ng mga netizens at karamihan ay hindi sumang-ayon sa naging pahayag ng aktor.
Narito ang ilang comments ng mga netizens:
“Oh, yes, Coco, but God teaches, be honest. And respect women. And putting Julia Montes and Yass on this controversy and let people speculate is not being good as a man. What nagbait-baitan ka. Yumaman ka dahil sa pagtangkilik ng tao sa iyo. Ngayon, sinasabihan mo sila na huwag pakialaman ang buhay mo.”
“Mr. Coco Martin, gusto mo pala ng private life, sana po, hindi ka nag-artista. You are a public figure, natural lang na pagtuunan ng pansin ng mga tao ang buhay mo. Noon, masyado kang papansin sa mga press, media at producers para sumikat ka lang. Ngayon, pinagdadamutan mo na ang mga taong dahilan ng pag-angat mo. Lingun-lingon din minsan sa pinagmulan at baka magsawa sa ‘yo ang mga taong nagpasikat sa ‘yo, like press-media at mga fans mo. Sa kangkungan ka damputin.”
Samantala, nagbigay naman ng pagsuporta ang ilang kapwa celebrities sa pagsubok na pinagdaraanan ngayon ni Coco. Nandiyan sina Daiana Menezes, Antoinette Taus, Aiko Melendez, Vina Morales at ang senador na si Sonny Angara.





Comments