top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Plantasyon ng damo, sinalakay

Pabs Hernandez III
Apr 24, 2019
1 min read

DAVAO DEL SUR—Isang plantasyon ng marijuana ang sinalakay ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Kimlawis, Kiblawan sa lalawigang ito.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nagmamay-ari ng plantasyon ng marijuana.

Nabatid na agad sinira at sinunog ng mga awtoridad ang mga pananim na marijuana sa naturang lugar.

Ayon sa ulat, tinatayang aabot sa mahigit P3 milyon ang halaga ng mga pananim na marijuana at ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang madakip ang may-ari ng plantasyon ng marijuana.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page