top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Direk Erik, kumanta… TF NI SHARON SA MOVIE, PUWEDE NANG MAKAGAWA NG 3 PELIKULA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 24, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

SI Sharon Cuneta mismo ang nag-introduce kina Pam at Kent Gonzales, ang real-life siblings na gumaganap na kambal sa horror film na Kuwaresma ng Reality Entertainment.

Sobrang na-impress si Sharon sa mga gumanap na anak nila ni John Arcilla sa movie dahil pa­rehong magaling kahit wa­lang experience sa acting.

First movie nina Pam at Kent ang Kuwaresma. Unang na-cast si Kent at pumasok si Pam nang maghanap ang producer na si Dondon Monteverde at si Director Erik Matti ng kamukha ni Kent. Doon sinabi ni Kent na may kapatid siya at kinuha na nila si Pam sa pelikula.

Nasa abroad pala nagtatra­baho ang pa­rents nina Pam at Kent, pero uuwi sila ng bansa sa premiere night para mapanood ang pelikula ng kani­lang mga anak na showing sa May 15.

Maraming naka-line-up na movies ang Reality Entertainment, siguradong masusundan ang Kuwaresma ng mag­kapatid.

Bilang na bilang ni Direk Erik na 29 days nila ginawa sa Baguio ang Ku­waresma na kaya ganu’n ang title ay dahil nangyari ang istorya sa Lenten season.

Ang unang plano nila ni Dondon, small film lang ang gagawin nila habang tigil ang shooting ng On The Job 2, pero sa pagpasok ni John Arcilla at ni Sharon Cuneta, hindi na maliit ang pelikula kundi lumaki na nang lumaki.

Ang sabi ni Direk Erik, sa talent fee pa lang ni Sharon, puwede nang makagawa ng three movies ang Reality Entertainment. Na-curious ang press kung magkano ang tf ni Sharon sa Ku­waresma na of course, hindi sinabi ni Direk Erik.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page