Sabay naliligo, wala nang itatago… NANGYAYARI SA KANILA NI NADINE, 'DI NA BIG DEAL KAY JAMES
- BULGAR

- Apr 23, 2019
- 1 min read

NAPANOOD namin ‘yung episode ng GGV kung saan inamin ni James Reid na nagli-live-in na sila ni Nadine Lustre. Casual lang ‘yung pagkakasagot niya.
But there was another revelation na inilabas ni James na medyo ikinagulat ni Vice Ganda.
Sa isang lugar daw na pinuntahan ng magdyowa, may malaking palayok na may warm water sa loob at du’n magkaharap na lumubog-umupo sina James at Nadine.
Asked ni Vice, “Naka-two-piece si Nadine?”
Sagot ni James, “No. wala.”
Pangungulit ni Vice, “As in wala talaga? Paano ‘yung mga legs n’yo?”
Ipinakita ni James na habang nakaupo siya, in-spread out niya ‘yung legs niya. Ipinatong naman ni Vice ang legs niya na naka-spread out din sa hita ni James to demonstrate kung paano ‘yung position ng legs ng dalawa.
It may sound shocking sa mga conservative, pero para kay James, it was something ordinary. After all nga naman, they live together na ni Nadine, so wala na silang maitatago sa isa’t isa.





Comments