Mula Enero hanggang Marso 2019 | 8,493 MURDER CASES NAITALA SA MEXICO
NAITALA ang pinakamataas na violence record sa unang taon sa Mexico.
Batay sa tala, umabot sa 8,493 ang murder cases mula Enero hanggang Marso ngayong taon.
Taliwas ito sa unang pahayag ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador na bumaba ang bilang ng murder cases mula nang maupo siya sa puwesto.
Ayon sa Executive Secretariat of the Public Security National System, tumaas ito ng 9.6% kumpara noong nakaraang taon.
Dinepensahan ni Obrador ang pagbuo nito ng National Guard na isa umano sa kanyang diskarte para pababain ang bilang ng karahasan sa bansa.





Comments