Ipinagsigawan sa buong mundo… RONNIE, LABS NA LABS PA RIN SI LOISA KAHIT MAY VIDEO SCANDAL PA

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SA kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan, naging matatag pa rin ang relasyon ng young celebrity couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.
Isa sa mga problemang kinaharap ng magkarelasyon ang diumano’y pagse-send ni Loisa sa boyfriend ng kapatid ni Ronnie ng scandal video kung saan mapapanood na pinaglalaruan niya ang kanyang boobs.
Gayunman, naging matatag pa rin ang dalawa at ang latest pa nga ay ang ginawang surprise ni Ronnie sa aktres para sa 20th birthday nito noong April 21.
Sa Instagram post ni Ronnie, makikita na nakaupo silang dalawa sa balcony habang punumpuno ng rose petals, balloons at kandila ang sahig.
Nilagyan pa ito ni Ronnie ng caption na: “‘Di ako ganitong tao! Pero para sa ‘yo, gagawin ko sumaya ka lang!! Happy birthday sa pinakamamahal kong babae bukod sa nanay ko!”
Sagot-pabalik ni Loisa: “Thank you ng sobra sa ‘yo beh para sa lahat.”
Dagdag pa niya, “I love you very much! Always and forever.”
Pinuri naman ng mga netizens ang effort ni Ronnie at ang ginawa nitong paninindigan kay Loisa sa kabila ng diumano’y scandal video ng aktres.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
“Tinapos ang laban.”
“Iba rin ang Ronnie Alonte napaka-sweet nila, kilig.”
“Ang sweet, ‘di ko kinakaya.”
“Thank you, Ronnie, talagang mahal na mahal mo talaga si BB Loisa.”
“Loisa, ang pagsubok ay hindi maiiwasan. You need to be strong always and prayer always. Kailangan, positive sa buhay. Happy birthday! I hope kayo na ni Ronnie forever. Huwag panghinaan ng loob. God bless you, always.”





Comments