HOTSHOTS, NAKALIGTAS 2-2 KONTRA E-PAINTERS
- BULGAR

- Apr 23, 2019
- 1 min read

TABLA na ang serye matapos manalo ng Magnolia Hotshots sa Rain or Shine, 94-91 sa Game 4 ng PBA Philippine Cup semifinals kagabi sa Araneta Coliseum.
Kumana si Hotshots center Ian Sangalang ng 19 points at 10 rebounds upang itabla sa 2-2 ang kanilang best-of-seven semis.
Ipinaramdam ng Hotshots ang kanilang lakas sa unang dalawa periods, hinawakan nila ang 19-point lead, 56-37 sa halftime.
Nanatili ang malaking lamang ng Pambansang Manok Magnolia sa third canto, 80-64.
Nadikitan ang Magnolia sa fourth canto pero naging matatag sila sa endgame upang makuha ang panalo.
Samantala, muling maghaharap ngayong alas-7 ng gabi ang defending champion San Miguel Beer at top seed Phoenix sa Game 4 ng kanilang best-of-seven semifinals series.
Hawak ng Beermen ang 2-1 bentahe, sisikapin nilang makabangon agad upang mamuro sila sa championship round.
Sinisisi ni San Miguel point gurad Chriss Ross ang kanyang sarili sa pagkatalo nila sa Game 3 noong Linggo.
Dalawang puntos ang lamang ng FuelMasters, nagkaroon ng tsansa ang Beermen na makahirit ng extension o manalo subalit nagmintis si Ross sa kanyang tres.
“I just let my team down today,” ani Ross. “I made those two foolish fouls that gave them points.”
Nasilo ng FuelMasters ang 92-90 panalo kaya nakaahon sila ng bahagya sa serye.
Inaasahang kakapitan muli ng Beermen sina five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo, Alex Cabagnot at Arwind Santos upang makuha ang panalo.
Ibabangga naman ng Phoenix sina Kalvin Abueva, Matthew Wright at Justin Chua upang makatabla sa series. (ATD)





Comments