Sey ng experts... CONDENSED MILK, GOOD SA HEALTH!


“PADAGDAG ng yema”, ito ang madalas nating sinasabi tuwing bumibili tayo ng halo-halo. Ha-ha-ha! Sherep kasi, eh! Gayunman, knows ba ninyo na posible itong magawa sa condensed milk at kahit nakakataba ito ay good pa rin para sa health?
Sey ng experts, kahit umano nakakataba ang condensed milk dahil sa mataas na calories nito, mayroon pa rin itong mga benepisyo na tiyak na magugustuhan ninyo.
Anila, dahil sa dagdag na asukal sa sweetened condensed milk, mas tumatagal ito kaysa sa regular milk na madaling napapanis, ‘yun nga lang kailangan pa rin itong ilagay sa refrigerator para ma-maximize ang freshness.
Gayunman, sa pagiging beneficial ng asukal, nakapagpo-provide ito ng dagdag na protein, fat at bone-healthy minerals tulad ng calcium at phosphorus.
Samantala, nagkokontamina rin ng potassium, Vitamin A at magnesium ang condensed milk na mainam para sa magandang daloy ng dugo.
Dagdag pa rito, ayon sa health report mula sa New England Journal of Medicine, kung masosobrahan sa pagkain ng condensed milk, tiyak talaga na madaragdagan ang inyong timbang, kaya hinay-hinay lang. Copy?
Kaya mga beshy, kung conscious kayo sa inyong katawan, mas mainam kung magkakaroon kayo ng limitasyon sa pagkain ng matatamis.
Pero, ngayong alam n’yo na ang benepisyong mayroon ang nasabing gatas, nasa sa inyo na kung tatangkilikin ninyo ito o hindi.
Gets mo?





Comments