top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG SUWERTEHIN SA PAKIKIPAGRELASYON

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2019
2 min read

Dear Maestro,

Isinilang ako noong February 4, 1993. Ma­raming beses na akong nabigo sa pag-ibig, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo dahil ayaw ko ng ma­bigo pang muli.

Gusto kong mala­man kung sa edad kong 26 na may anak sa pag­kadalaga, ma­ka­tatagpo pa kaya ako ng lalaking totoo sa akin, iibigin ako ng tapat at pakakasalan?

‘Yung lalaking bu­kod sa mamahalin ako ay mamahalin din ang aking anak at ituturing na parang tunay ni­yang anak?

Sana, bigyan ninyo ako ng pag-asa, min­san kasi, parang na­wa­walan na ako ng pag-asa at sarili ko ang sinisisi ko kung bakit ako nag­kaga­nito.

Umaasa,

Ms. Lonely ng Cabuco, Trece Martires, Cavite

Dear Ms. Lonely,

Huwag kang mawa­lan ng pag-asa dahil bukod sa may hitsura o maganda ka naman, kapansin-pansing okay sa alright din ang iyong pirma.

Ang lagda mong nagtapos sa paitaas na stroke, sa halip, na pai­baba ang nagsasabing, sa edad mong 26 pataas, kahit na dalagang-ina ka pa, muli kang makata­tagpo ng lalaking tapat at magmamahal sa iyo ng panghabambuhay.

Oo, susuwertehin ka sa pag-ibig at pakiki­pagrelasyon na madali na­mang kinumpirma ng destiny number mong 1 (2+4+1993=1999/ 19+99=118/ 11+8=19/ 1+9=10/ 1+0=1) kung saan ang mga taong may destiny number na 1 ay likas na nagkakaroon ng hindi inaasahang su­werte, hindi lang sa pag-ibig kundi sa lahat ng aspeto ng buhay.

Kung saan ayon sa iyong Love Calendar, ang pagdating ng nasa­bing lalaki na habambu­hay na sa iyong magma­mahal kahit na dalagang-ina ka ay nakatakda mo ng makikilala sa pagla­lak­bay.

Ang pagdating ng nasabing lalaki ay ma­gaganap ngayong 2019, sa edad mong 26 pataas, sa buwan ng Disyembre o kaya ay Enero sa su­sunod na taon at pinaka­matagal na sa buwan ng Mayo sa 2020, sa edad mong 27 pataas, sa unang pagtatagpo ninyo, ikaw ay nakasuot ng di­law at puti naman ang nasabing lalaki na ma­giging kaibigan mo hanggang sa maging boyfriend at sa bandang huli ay tuluyan at pang­habambuhay ka na ni­yang mamahalin, kahit na may anak ka pa sa pagkadalaga upang min­san pa, mabuo ang ma­ligayang pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page